“??bakit??”

bakit ba type kita?

hindi ka naman masyadong gwapo

bakit ba patay na patay ako sayo?

hindi naman kita masyadong kilala

bakit baliw na baliw ako sayo?

hindi ko naman alam ang ugali mo

bakit ba hindi ko mapigil ang pasulyap-sulyap ko sayo?

hindi ko naman alam kung tinitignan mo ko, hindi ko man lang alam kung alam mong andodoon din ako

bakit ba kita  iniisip gabi-gabi?

kung hindi ko naman alam kung may puwang ako dyan sa puso mo

bakit ba lita napapanaginipan gabi-gabi?

kung ang mga panaginip ko naman tungkol sayo ay hindi ko maintindihan ang gusto nitong ipahiwatig sa akin

Leave a Reply